Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan Pinangarap ni Elias na namahinga sa dalampasigan Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan Bilisan mo at baka mawala pa yan diyan Wag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo) Minsan mahirap maniwala (Sa iyo) Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo) Di ba meron pa Halika, halika Balikan ang mga bara Binitawan ng konsensiya ni Ibarra Upang di mo malimutan mga yamang Akda ni Laong Laan, Dimasalang at Maypagasa Bago pa man sya isinilang hinatulan na Galing sa angkan na isinuka ng lipunan Napagbintangan ang lolo, siya raw ay arsonista Napilitan ang lola magputa para lang kumita Hanggang sa lumikas ang pamilya ng trahedya Palayo sa pagtitig ng mapanghusgang mata Ngunit di kinaya ng lolo ang buhay na sinapit Sarili'y sinabit, namayani ang galit Kanyang tiyo'y naging tulisan Madugong katapusan Ang lola naman natagpuang nakabulagta sa daan Wala na sigurong mas namuro sa kamalasan Paano matatakasan pag nakaraan ang kulungan ha? Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo) Minsan mahirap maniwala (Sa iyo) Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo) Di ba meron pa? Di man pinalad Kumapit pa rin sa kuko ng liwanag Kaloobang umaapaw at handang tumugon sa tawag Sabi nya Mas galangin pa natin Ang dignidad ng sino man Sa halip na patayan Kailangan ng kanlungan Unawain ang konteksto na ating ginagalawan Ugat ng kahirapan ay hindi lang katamaran Kundi ang kakulangan ng pagserbisyo sa mamamayan At pagsuporta sa abusadong sistema ng mga kapangyarihan Alam kong merong iilang nakakaraos Ngunit ang karamihan nanatiling nakagapos Mapang-aping lipunan ay sagadsagaran Buksang muli ang Noli ang gabay sating isipan at Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo) Minsan mahirap maniwala (Sa iyo) Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo) Di ba meron pa? Huwag kang masilaw sa liwanag (Na sa iyo) Minsan mahirap maniwala (Sa iyo) Saluhin ang mga sinag ng liwanag (Na sa iyo) Di ba meron pa? Salubungin mo ang bagong umaga na iniwan Pinangarap ni Elias na nagpaliyab