Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Manatili sa 'king panaginip 'Di man ako nagagalit Ngunit alipin ako ng may gamit Magtagong mga gumagamit Sa mga walang malasakit Naadik sa hugis kuwit na bakal Sabik sa pagkalabit Kabit! Ang barrel lagyan ng takip Ako lang naman ay nasingit Sa kalamigan ng magasin Ako ay hindi nag-iinit Kagabi na naman may nadawit Pait ng dilim ay nasapit Humahagulgol sa pag-awit Mga boses na 'di kumakapit Sa tenga nila Meron pa bang pagdama sa iba? Anong halaga? Buhay nila Tinapos nang sumiklab ang pulbura Kung puwede lang sana ako umatras Kumalas sa rehimen ng dahas Nang sa gayon 'di na ako sisisihin Kapag bumulusok ang bala sa hangin Dinggin ang hiling Puwede bang huwag na lang ako? Ayaw ko nang tumagos sa 'yo Dahil inosente ka lang 'Di ba inosente ako? Teka, inosente pa ba tayo? Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Puwede na lang bang manahimik? Pag-asa'y hindi na masilip Baha na sa kalye ang luha (Hala) Bira pa rin ang mga siga Ako ang nagsisilbing ngipin Ng batas ng mga magigiting Nakalista na'ng mga may sala Ang parusa sila nang bahala Sa kaluluwa Ang panalangin ba'y may nagawa? May tsansa pa ba? Buhay nila Magbago sa paningin ng malupit na estado Gusto ko nang tumakas Kumalas sa rehimen ng dahas Nang sa gayon 'di na ako sisisihin Kapag bumulusok ang bala sa hangin Dinggin ang hiling Puwede bang huwag na lang ako? Ayaw ko nang tumagos sa'yo Dahil inosente ka lang 'Di ba inosente ako? Teka, inosente pa ba tayo? 'Di ba inosente? 'Di ba inosente ka lang? 'Di ba inosente? 'Di ba inosente ka lang? 'Di ba inosente? 'Di ba inosente ka lang? 'Di ba inosente? 'Di ba inosente ka lang? 'Di ba inosente Puwede bang huwag na lang ako? ('Di ba inosente ka lang?) Ayaw ko nang tumagos sa'yo ('Di ba inosente ka lang?) Dahil inosente ka lang 'Di ba inosente ako? ('Di ba inosente ka lang?) Teka, inosente pa ba tayo? ('Di ba inosente?) ('Di ba inosente ka lang?)