Tumahimik ka na lang Ano bang naitulong mo? Akala mo kung sino Ano bang na-ambag mo? Puro ka reklamo Ikaw nang matalino Puro ka lang ingay 'Wag ka ngang pasaway Walang magagawa Walang patutunguhan Pabayaan mo sila Walang karapatan Ika'y nakikinabang Sa hatid ng puon Wag ka nang mag-isip Wag ka nang magtanong Ang sandata mong taglay Ay biyayang ibinibigkas At kung pag-ibig mo'y tunay Sumabay nang lalong lumakas Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Ba't ba ang hilig pumuna, 'Di ka nagsasawa? Ba't ba ang hilig manggulo, Ayoko nang katulad mo Ito ay babala mula sa masunurin Hoy! Matakot ka na nga baka ika'y sugpuin Wala kang pakinabang sa panahon ngayon, Buti pa't bumulong kesa pa makulong 'Pag kalooban mo ay tapat Gagaan ang mga pabigat At kung sakaling masindak Tumindig at tayo'y aangat Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Ang kwento ay pagpanaw 'Pag natigil ang pag-apaw Nang katotohanang 'Di dapat hayaang magunaw Dahil inatas sa 'tin Ang kakayahang nang pagbigkas Gamitin nang mahusay Ang sandatang wagas Kaya pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita Pakinggan mo ang salita 'Di mapigil na salita 'Wag matakot magsalita 'Wag patitigil magsalita Ang boses mo'y mahalaga Boses ng malaya