Kishore Kumar Hits

Dicta License - Kasama şarkı sözleri

Sanatçı: Dicta License

albüm: Pagbigkas


Dati (dati, dati)
Dati (dati, dati)
Naaalala mo ba dati no'ng natapos na ang klase?
Nagmamadali na tayong magkita
Baka sakaling maabutan pa natin ang agos ng tao sa kalye
'Di mapakali, kailangan nating makisali
Naglakad tayo mula España tungo sa Mendiola
Kasabay ng mga militanteng 'di naman natin kilala
Ngunit ramdam natin ang galit na nakaukit
Bitbit nilang karatula, tila dugo ang ginamit na panulat
Nagulat, doon tayo namulat
Nagising ang pagmamalay na hindi mo masusukat
Nahanap natin sa sarili ang pagmalasakit
Kung sa'n nagmumula ang mga hilig nating awit
Pero parang nag-iba na yata ang iyong eksena
Naayos na ba natin mga dating problema?
Naririnig mo ba'ng mga sigaw ng dating nakasama
Matandaan mo sana, ikaw rin ay nakiisa
Dati (dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati? (Dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati (dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati? (Dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita?
Ano'ng nangyari, kaibigan? Dati-rating makabayan
Natameme ka na yata sa tahimik na upuan
Habang kalagayan ng lipunan ay kinakalawang
Nakakapanghinayang, kailangan pa naman ng mga boses na matapang
Hindi sana masayang pagtindig mo para sa mga walang kalaban-laban
'Di na ba makatuwiran ang tinig ng mga tibak?
Tingin mo ba sa kanila'y putak lang nang putak?
O 'di kaya sila'y nabibili na parang salarin?
Binenta ang konsensiya para sa isang kusing
Naniniwala ka na rin ba na kailangang pumatay
Para sa tagumpay? D'yan ba tayo nahiwalay?
Kaibigan ko, pasensiya na sa 'king mga tirada
Kailangan kang kalampagin, ituring mong harana
Nakakapagtaka lang, parang 'di kita kilala
Paramdam ka na sana, mula sa 'yong nakasama
Dati (dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati? (Dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati (dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati? (Dati, dati)
'Di ba kasama kita? 'Di ba kasama kita
Dati? (Dati, dati)

Dati (dati, dati)
Dati (dati, dati)
Dati (dati, dati)

Kasama, kasama, kasama, kasama
Kasama, kasama, kasama, kasama
Kasama, kasama, kasama, kasama
Kasama, kasama, kasama, kasama
Kasama, kasama, kasama, kasama

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar