Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko'y palagi kang nandun At tayo'y magkasaa Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil di ako sana'y ng wala ka Magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat Tirik man ang araw parang langit pag nakayakap Ako sa iyo tapos nakahawal ka sa king braso Nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo Ang dami kong hiling ang dami kong gustong gawin Mga bagay upang pag-ibig ko'y lalo mong damdamin Gusto ko yung ganito yung hawak ko ang yong kamay Magka-akbay, parang wala na yatang papantay Sa pintig na kakaiba, na hatid mo sa akin Ako'y ganado pag ikaw ang kasabay kong kumain Ang yong halik na ang dulot ay ngiti na abot tenga Kaligayahan na di kayang mabibili ng pera Di ko kayang isipin ang buhay ng di ka kasama Naiisip ko pa lang ako'y parang maluluha na Katabi kita pero ba't ganto ang pakiramdam Nalulungkot pa rin ako at labis na nasasaktan Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko'y palagi kang nandun At tayo'y magkasaa Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil di ako sana'y ng wala ka Ating kamay ay pinag-isa at ikinorteng puso Tanda ng pag-iibigan nating hindi susuko Sa kahit anong hamon sa ating pag sasamahan Tumanda man tayo hinding hindi magkakasawaan Gusto ko yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa Walang imposibl pag dating sayo aking prinsesa Dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila Magpapaka romantiko 'ko upang mapangiti ka Mga litrato natin itatali sa mga lobo Kakantahan kita kahit medyo wala sa tono Maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan Kung paano kita mahalin at pahalagahan Sinusumpa ko sa harapan ni ama Na sa lahat ng sandali at oras ay iingatan ka Pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam Nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko'y palagi kang nandun At tayo'y magkasaa Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil di ako sana'y ng wala ka At biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot Panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod Mata ko'y ipinikit pinilit muling matulog Di alintana ang patak ng luha na nahuhulog Sa aking mata! kahit basang-basa na ng ulan Hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan Ang buhay ng di ka kasama, sinanay mo kasi ko Na laging masaya at ang araw ko ay kumpleto Wala na akong kasabay mag-sipilyo Wala ng makulit na laging uupo dito sa binti ko Wala na akong ka-subuan kapag kumain Sa tuwing a-trese wala na kong susurpresahin Wala na akong bibigyan ng bulaklak At yayakapin sa harapan ng mga taong pumapalakpak Wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin Lahat ng yan ay tanging sayo ko lamang kayang gawin Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko'y palagi kang nandun At tayo'y magkasaa Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil di ako sana'y ng wala ka Di matangap na wala ka na Sa panaginip ko'y palagi kang nandun At tayo'y magkasaa Binabalikan ang mga nagdaan sa atin Dahil di ako sana'y ng wala ka