Kishore Kumar Hits

Sitti - Tag-araw şarkı sözleri

Sanatçı: Sitti

albüm: Tag-araw


Katulad mo rin ba akong hindi makatulog?
Paikot-ikot ang isipan ko
Lumalamig na ang gabi, 'di ko pinapansin
Hanggang ngayon, aking tinatanggi
Bakit ba ang puso ko'y nagpupumilit na labanan
Ang pag-ikot ng orasan?
Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam, tag-araw
Katulad mo rin ba akong hindi mapakali?
May bagyo sa aking damdamin
Nagtatagal na ang gabi, 'di ko pinapansin
Hanggang kailan kaya magkukubli?
Bakit ba ang puso ko'y nagpupumilit balikan
Ang kahapong 'di na matanaw?
Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam, tag-araw

Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam, tag-araw
Paalam, tag-araw
Paalam, tag-araw

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar