Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Napaka dami na napaka dami nang Gusto akong makitang sumablay Pinatibay to ng panahon Kaya hindi nila mabaon Inakala ng iba napatapon Kaya gulat lahat nung nagkaron Di ko sukat akalain Na nailabas sarili sa kahon Inakyat ng dahan dahan Ang hagdan at hindi ko tinalon Ginawang bakal ang damdamin Para sa kumento ng iba't mga pasaring Imbis na tirahin ko ng pabalik Ay diko nalang pinansin At binulong na lang sa hangin Uh! Yan lagi ang gawain Kabutihan pairalin Ilang beses mang hamakin ng marami Kabaliktaran pa rin nito ang dapat na isalin Diko inugali na makipag tunggali Dahil alam ko kung anong tama o mali Hindi rin nagpapadala sa palakpakan At tuwing may kaganapan makikita moko sa tabi Nakangiti, nakamasid, sa tunay na mga kapatid Iisa aming hangarin At sana palarin at lahat makatawid (Tawid) yeah Puro tama lang ang gagawin ko Oh yun lang din dapat gagawin mo Wala sa plano ko Ang pag hinto oh oh Kahit Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Napaka dami na napaka dami nang Gusto akong makitang sumablay Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Di mang yayari yan Di mang yayari yan Ako ay magtatagumpay Daming naka abang Sa galaw at bawat hakbang Tila di na bilang Sa daliri kung iilan Dami talang ha hadlang Bago makamit ang inaasam Buti nalang di naubos ang mga tintang Ginagamit ko kaya di nila malinlang Di malilinlang Yeah! Dahil pangarap ko ay maging makinang Wala akong pakialam Kahit pa na sabihin nila na nahihibang Kesa patulan ko tinuloy ko nalang Aking gawain at di na inisip yan Diko na kailangang gumanti Dahil pag ako ay nag wagi mas matindi yan Yeah! Ganun pamay tuloy lang palagi Kahit parati kang hinahawi Ni kapalaran at tinatali Sa dahilang hindi mo mawari At di mo sukat akalain Na malagay ka sa alanganin Pero panis kase kakayanin Yeah! Puro tama lang ang gagawin ko Oh yun lang din dapat gagawin mo Wala sa plano ko Ang pag hinto oh oh Kahit Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Napaka dami na napaka dami nang Gusto akong makitang sumablay Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Di mang yayari yan Di mang yayari yan Ako ay magtatagumpay Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Napaka dami na napaka dami nang Gusto akong makitang sumablay Napaka dami na napaka dami nang Nakatingin, nag hihintay Di mang yayari yan Di mang yayari yan Ako ay magtatagumpay