Nang makita ka, bakit ninais makilala? Larawan mo sa tuwina ang nasa aking alaala Araw-gabi, ikaw ang siyang pinapangarap Inibig ka nitong puso ko at ito'y walang katulad Bakit kaya kapag ika'y kausap Damdamin ko sa iyo'y ba't 'di maipahayag? Bakit kaya 'di magawang sabihin ang nadarama Na ika'y iniibig? Tanging ikaw, walang iba Bakit kaya ako'y umibig at naakit mo pa? Bakit ba sa 'king puso ay ikaw lamang, sinta? Bakit kaya 'pag ika'y 'di nakikita Ang mundo ko ay walang kulay? Hinahanap kita Naakit ako sa angkin mo na kagandahan Ikaw lamang at walang iba ang tunay kong mahal Bakit kaya kapag ika'y kausap Damdamin ko sa iyo'y ba't 'di maipahayag? Bakit kaya 'di magawang sabihin ang nadarama Na ika'y iniibig? Tanging ikaw, walang iba Bakit kaya ako'y umibig at naakit mo pa? Bakit ba sa 'king puso ay ikaw lamang, sinta? ♪ Bakit kaya 'di magawang sabihin ang nadarama Na ika'y iniibig? Tanging ikaw, walang iba Bakit kaya ako'y umibig at naakit mo pa? Bakit ba sa 'king puso ay ikaw lamang, sinta? Bakit kaya 'di magawang sabihin ang nadarama Na ika'y iniibig? Tanging ikaw, walang iba Bakit kaya ako'y umibig at naakit mo pa? Bakit ba sa 'king puso ay ikaw lamang, sinta?