Rekta na to wag ka magpakamatay Lahat tayo may problema wag ka mag papatangay Hindi naman puro kamalasan lang ang nasa kamay Naka kotse na si kamatayan wag ka muna sasakay Mabigat ang dala hindi nga lang halata Bakit kahit maliwanag parang walang makapa Nakatago at umiiyak ka ng nakadapa Sabihin mo saken yung problema mo gano kalala Yung problema mo sapatos yung iba walang paa Pero lumalaban sa buhay ng halos walang kaba Hindi ka mahina ang gusto ko lumaban ka pa Tumayo ka dyan at punasan mo ang mga mata Kung hindi mo na alam kung sino ang lalapitan Kahit patalim ay wala ka ng makapitan Gano man kalalim ang mga kasawian Palaging merong Dyos at pwede mo syang masabihan Minsan ay parang gusto ko sumigaw Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw Minsan ay parang gusto ko sumigaw Saan ang tamang daan ako ay naliligaw Pwede umiyak pero walang sukuan Tuloy ang kwento ng buhay at wag mo namang tuldukan Naaalala mo pa ba o di mo na matandaan Yung mga dating nagdaan nakaya mo ngang lagpasan Kaya ka merong problema eh para lumakas ka Nakatagong tapang sa loob mo lumabas na Nakatali sa depresyon sana kumalas ka Marami pang ibang paraan kahit ano basta Wag ka mag pa apekto Walang taong perpekto Kadalasan marraranasan ang panget na komento Marami talagang sisira sa maganda mong kwento Wawasakin nila sa salitang puro imbento Yan ang gusto ng iba lagi kang nadadapa Basta kayang tumayo kahit na nasa baba Teka wag kang lumayo kasi may pag asa pa Kala mo magisa ka pero may kasama ka Minsan ay parang gusto ko sumigaw Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw Minsan ay parang gusto ko sumigaw Saan ang tamang daan ako ay naliligaw Mukha kang masaya pero di mo maramdaman Magisa sa kwarto na parang walang malabasan Kung may nag mamahal sayo ay di mo na matandaan Akala mo kasi lahat sila walang pakeelam Naranasan ko na yan naiintindihan kita Tinapangan nilabanan at mas tinindihan ko pa Kahit na hindi madali basta palag lang ng palag Kapag natakot at napagod ay salag lang ng salag Hindi mo gustong mawala ang Gusto mo matagpuan Sa mundo na akala mo wala kang matakbuhan Wag mo lang madaliin maraming pwede puntahan Wag mong tapusin yung buhay mo ng ganun ganun na lang Sa lahat ng taong merong depresyong nararanasan Eto ang tunay na buhay at malubak ang lalakaran Sa mundo na hindi mo alam kung sino ang kalaban Masarap mabuhay lalo na kapagka lumalaban Minsan ay parang gusto ko sumigaw Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw Minsan ay parang gusto ko sumigaw Saan ang tamang daan ako ay naliligaw