Kailangan mong maging matatag sa Mga taong lalampasuhin ka lang sa lapag Hindi naman pepwede na laging wala kang palag Hindi porket tahimik ka papayag kang malaglag Huhusgahan ka nila na para silang husgado At ang sarili mo lang ang lagi mong abugado Mapapamura, mapapasabi ng ano kamo Kapag siniraan harap-harapan sa mukha mo Kala mo malinis kung makapagsalita Marami ka ring dumi ayaw mo lang pahalata Malala ka pa sa sinaing na kaning malata Konting galaw issue agad kala mo perkepto yung madla Magkukwento sa iba pagkatapos ay maninira Mga bumubulong sa likod palihim na naninira Harapin ang salamin bago mo pansinin yung iba Kahit san ka pa magpunta hindi ka Diyos para manghusga Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin Pambihira ka naman kahit anong aking gawin Ako lang ang may kulang ikaw lagi yung magaling Kapag hindi lumaban sinasabihan na bading Pag pinatulan naman mayabang agad yung dating Magagamot pa natin yung cancer sa lipunan Kung walang mapanghusga malamang wala na ring pikunan Panglalait sa pangit wala na ring hintuan Kanya kanya tayo ng baho na dapat paliguan Gustong maliitin kesa ipagmalaki Minsan kahit katiting ay wala silang pake Bago mo ko pansinin tingnan mo muna kasi Ang sarili mo baka mas marami ka pa ngang dumi Marami akong tattoo kriminal na ba agad Kulang lang ako sa tulog adik na tsaka bangag Madalas ang aso kumahol pag hindi ka kilala Kaya wag nyo kong husgahan malamang hindi nyo ko kilala Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin Bakit ba ganyan tao ka lang rin naman Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin Kahit balibaliktarin laging maling mali pa rin Ang tama sa mata ng iba anong dapat kong gawin