Napakaraming badtrip talagang hindi ko na mabilang Pero sa kabila ng lahat ay meron paring mga Tao na sa daliri mo ay pwede mong makapitan Pero kung sakali na wala na Baka merong kang ugali malala na Wag ka magmamadali baka madapa ka Masarap mangarap pag magaling makisama Matagal tagal din ako nag antay Pinabaga ko mabuti na parang panday Tinitigan ko maigi hindi yata pantay Ako na yung naglaba ako pa nagsampay Oo na sige na marami na yung magaling Mga barang binitawan nyo ay puro matalim Kami na yung mga bago sa eksena pero di Nyo nman talaga alam kung saan kami nanggaling Siomai rice kung nagugutom ka kainin mo Pero wag mo na kami yayain na kumain pa ng Kanin kung wala rin naman laman sasabihin mo Kultura namin dapat na aralin to Hindi to binuo para lang wasakin nyo Kasama daliri ko sulat mga liriko Kung ayaw makinig edi basahin mo Kinapos sa paghinga kaya nag pahinga Eto ang simula ng panibagong pahina Sa paglabas ko parang makabagong makina Parang si naruto kapagka umatake na Mga bara di bara bara kumarate pa Di mo mapapa [para hanggang gumarahe ka Hindi pwedeng pa harang harang umabanteka Pag narinig mo to mapapapapa Tangina Wala kang alam, wala kang alam Kung sino ako at kung saan ako dumaan Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam Kung sino ako at kung saan ako dumaan Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam Napakaraming bad trip pero di ko pa rin tinigilan Sa kabila ng mabigat na pasanin sakin ay mas lalo kong pinanggigilan Hindi na maawat sa pangarap Kaaalaman ko na hawak mapalawak Tingala sa ulap lamang habang merong dalawang mga paang nakaapak Natupad ang panalanging gumawa ng mga bago Marami pang ama namin na palaging nakatago Kung ang sanhi ng atensyon ay ang basura na mabaho Linisin mo muna alisin hanggang maglaho Harapin pagsubok kahit na nakakatakot Darating ang regalo na magtagal ng nakabalot Tagumpay ang kapalit ng lahat ng mga pagod Maghintay ka lang ulit kung sakaling di makaabot Woo kahit na nahihirapan eh ngumingiti pa ko Hindi nainip pero pumikit at pinilit kahit na mapilipit ang dila ko Basta mapalapit sa palad ko Mawala ang pangarap hindi papayag to Buti na lang maaga kong napagtanto Kung papano alisin ang mga harang ko Salamat sa lahat ng kumagat Kayo ang gasolina ko kaya to pumalag Kasama ko kayo kahit hindi pa boom agad Sapak lang tayo ng sapak hanggat sa bumakat Sa bawat nagkalat ng mga pamagat Sa mga tropang nakasama kopa sa lapag Di nyo ko pinabayaan kaya tumatatag Lahat kayo kabisado ko at tumatatak Wala kang alam, wala kang alam Kung sino ako at kung saan ako dumaan Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam Kung sino ako at kung saan ako dumaan Wala kang alam, wala kang alam Wala kang alam, wala kang alam