Kishore Kumar Hits

Pio Balbuena - Tamang Panahon şarkı sözleri

Sanatçı: Pio Balbuena

albüm: Tamang Panahon


MATAGAL KONG INANTAY ANG PAGKAKATAON NA TO ANG MAKASAMA
ANG MAKATA SA ISANG KANTA KO
KAILANGAN TALIMAN NA PARANG SUMUSULAT SA BATO
ETO ANG ISA SA LAHAT NG PANGARAP
NA DALA KO
PINAGDAANANG HIRAP HALATA NYO
SA MATA KO PINAGPAPAGURAN LAHAT
KAHIT NA WALANG MATAMO ANG INDUSTRIYA AY GUBAT PAG NAMULAT
KA NA BRO AKO AY NAGING MANANABAS
SA MASUKAL NA DAMO
Nung narinig ko yung kanta mo grabe
Ang galing sabay sabi sa sarili yan
Ang gusto kong gawin balang araw sa entablado makakanta rin
Hindi pala ganun kadali kapag meron
Kang Hiling
Hindi nakapag Kolehiyo
Walang pang matrikula
Pero inaral ang diploma mo't mga tinula
Hindi ko kakalimutan
Kung saan ako nagsimula
San man makarating lahat ng to
Laging Panimula
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon
Sa kada alis ko ay laging Alisto
Sa biyahe ng pangarap nakikinig kay pollisco
Habang naglalakad ang baon ko sampung
Piso pero hindi huminto lahat tiniis ko
Sarado ang pinto sa bintana dadaan
Oh kahit saan pa yan gagawan ng paraan
Maraming pwedeng mangyari basta mag abang ka
Lang Pero wag puro abang pare kilusan mo naman
Isipin mo ay darating ang tamang panahon
Kapag nahulog ay kayanin mong gumapang paahon
Kung akala ng iba ang buhay mo ay Patapon
Gulatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon
Ngayon naniniwala na kong lahat ay Posible
Pero alam ko rin Na hindi to ganun ka simple
Kung gusto mo talaga pagsikapan mo maige
Pag ang panahon tumama hawakan
Mo ng mabuti
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong muli
Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon
Di ako karapat dapat
Pero maraming salamat
Palaging naka handa na walisin ang mga kalat
Ipunin ang piraso
Dikitan ang mga lamat
Nakalista na atraso
Kulay itim parang balat
Sa puwet diket inggit nangmamaliit
Mawalang galang na teka lang sino ka nga ulit
Nangungulit don sa likod nangangalabit
Sumunod sa payong laging magpapakabait
Alisto direcho lagi di palihisto
Pangalawang pangalan aking pinarehistro
Sabi ng bago sa lumang trabaho panis to
Babagsakan ng apelyido ko na Pollisco
Minsay naatasan akoy naabutan
Ng martilyo at pako tibayan ang mga daan
Na kapag tinapakay kanilang matatandaan
Sa huli
Lahat tayo ay mapapalitan
Huwag kang matakot na magkamali
Kung maligaw sige tahakin mong Muli
Lumaban ka kahit na magapi
Hanggang doon sa tamang panahon

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar