Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito? Sa iyong paglisan, hapdi ang s'yang naramdaman Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan? Dahil ba sa huli na ang lahat? Sa 'yo'y paalam Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan No'ng umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat Tinatanong sa 'king sarili kung hindi pa ba sapat? Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito? Pilit na inaalala mga bagay na nangyari Sa 'king puso at sa isip, kalungkutan ang naghari At naghiwalay tayo na 'di man lang nakapag-usap Hanggang sa huling sandali, wala nang pangungusap Na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman Kung bakit nagkagan'to at bakit mo 'ko iniwanan? Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita? 'Di mo na 'ko tinanong at tuluyan kang naniwala Sinira mo ang tiwala at ako'y tinalikuran Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan? Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito? Sa iyong paglisan, hapdi ang s'yang naramdaman Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan? Dahil ba sa huli na ang lahat? Sa 'yo'y paalam Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob At 'di man lang ako nakaangat sa aking paglubog Hanggang sa huling sandali, 'di man lang nakapagpaalam Katagang nais sabihin, hindi ko man lang nabitawan Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali 'Di na 'ko muling hahabol at magbabakasakali Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina Ang isang katulad mo 'pagka't wala na ngang pag-asa At hindi talaga tayo ang itinakda ng Diyos Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan? 'Di ko lubos maisip ba't gan'to ang kapalaran Bago magtapos ang awit ko, sana'y malaman mo Na wala na akong ibang inibig kung 'di ang katulad mo Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kong ito Salamat sapagka't naging bahagi ka ng buhay ko Bakit kailangan humantong sa hiwalayaan ang lahat? Ang nangyari sa relas'yon natin, hindi ko matanggap Hindi ako nagkamali at nagkulang sa 'yo, sinta Nguni't ano'ng sinukli, iniwan mong nag-iisa Walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw Nguni't lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw Tanggap ko na kung 'di ka sa akin, ikaw ay sa kanya Mahal kita, pero 'di tayo para sa isa't isa Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito Nguni't 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo Kasi sobrang mahal kita, 'yan ang pakatandaan mo At minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko Walang pagsidlan ang saya no'ng makilala ko ikaw Nguni't lahat ay nagbago noong ikaw ay bumitaw Tanggap ko na kung 'di ka sa akin, ikaw ay sa kanya Mahal kita, pero 'di tayo para sa isa't isa Kung kaya ko lang pahupain ang nadaramang ito Nguni't 'di ko kayang itakwil na lang ang pag-ibig mo Kasi sobrang mahal kita, 'yan ang pakatandaan mo At minahal kitang lubos nang higit pa sa buhay ko