Nung una kang maka-bonding Parang normal lang, wala namang dahilan 'Di ako mafa-fall sa'yo Kasi nga 'diba tropa tayo Pinigilan ko ang sarili Kasi nga baka masayang lang Ang pinagsamahan natin ng ilang taon Meron akong sasabihin Pero gusto ko 'wag kang makinig Isisigaw ko malapit sa inyo Na mahal kita kahit 'di mo alam Mahal kita kahit 'di mo alam 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang Bawal ang ma-inlove sa'yo Kasi nga may jowa ka na Bakit ganto aking nadarama? 'Di ko alam kung tama ba o tama na Yung ulo ko siguro may tama na Kaya dinadaan na lamang sa kanta Oo, mahal kita pero mali na 'to 'Wag kang lumapit, nahuhulog lang ako sa'yo 'Wag kang magsalita, naaakit ako sa boses mo 'Wag mo kong titigan nababatobalani ako Natotorpe, natatameme at natatahimik Nakakakaba, nakaka-guilty at nakakabwisit Nakakahibang, nakakabaliw, nakakadyahe Nakakainis at 'di nakakaaliw ang nangyayari Ano ba naman 'wag ka nang tumitig, please maawa ka Kakalapit mo, yung puso ko sasabog na Kung di lang masama mang-agaw ng may asawa Matagal ko nang ginawa para ikaw ay makasama Mahal kita kahit 'di mo alam 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang Bawal ang ma-inlove sa'yo Kasi nga di ba may jowa ka na Gusto kong ilabas pero 'di ko kayang aminin Ako yung tagadikta, bakit ako yung alipin Ng sarili kong puso pati na damdamin? Ang daling makaramdam pero mahirap sabihin Ang dali mong makita, ang hirap lumapit Ang daling mahulog, ang hirap kumapit Ang dali mong lapitan, ang hirap kasama Ang daling humiling, bakit ang hirap umasa? Ang daling sumulat, ang hirap ibigay Ang dali mong magtext, bakit ang hirap magreply? Madaling magkunwari pero ang hirap pagtakpan Ang daling umibig, ang hirap masaktan Minsan hindi ka papalarin sa guhit ng kapalaran Madalang ang kadalasan, bwenas ka sa kamalasan 'Di ko naman intensyon na mahulog loob ko sa'yo Nagkamali lang yata ng pinana 'tong si Kupido Mahal kita kahit 'di mo alam 'Tong feelings ko'y itatago na lang Bawal ang ma-inlove sa'yo Kasi nga di ba taken ka na Mahal kita kahit 'di mo alam 'Tong feelings ko'y isisikreto na lang Bawal ang ma-inlove sa'yo Kasi nga di ba may jowa ka na Amm, sinulat ko nga pala 'tong kantang 'to Para kahit papano mailabas ko 'tong saloobin ko Kasi pag 'di ko nilabas 'to sasabog na lang 'to Na parang palpak na missile ng North Korea Pero masaya ako kasi lagi tayong magkasama Kahit 'di mo alam kung gaano ako ka-inlove sa'yo Kahit may asawa ka na, kahit kinasal ka na sa iba Pinapangako ko mamahalin pa rin kita Nandito pa rin ako, hinding-hindi kita iiwan Kahit magbago man ang mundo, kahit maging Tatsulok na parang kanta ni Bamboo Pangako iikot at iikot parin sayo ang mundo ko Kahit alam ko na masakit at mapait na parang ampalaya Kasi mapait talaga ang ampalaya Oo, am'palayain ang minamahal mo, tandaan mo Mahal na mahal pa rin kita Pedro