Maging dalisay Sa gitna ng isang digmaang Ngayo'y dinadaos sa isang sinukob Sa gitna ng kagutuman Sa gitna ng kamatayan Sapagkat ang kamatayan ma'y matamis Katulad ng itinuro ng ating mga bayani Kung ya'y magbubunga Ng isang pag-asa't ng isang adhikaing Pinagpakamatayan nila Tatlong daang taon kang sinakop ng banyaga Lumaban upang kalayaan matamasa At sa paglaya mo ay nagbigay pag-asa Na ipinunla mo sa puso ng masa Ngunit marami pa ring gusto kang maagaw Kapitbahay mong unti-unti kang ninanakaw Mga anak mong 'di nagkakasundo Mga taong mas matimbang ang pera kaysa dugo Ngunit pagkatapos mong makipaglaban Bandang huli, unti-unti mo ring nalaman At lumabas na ang katotohanan Na mismong sistema na rin ang kalaban (Isang bansa, isang lahi) Pilipino tayong lahat (isang dugo, isang tinig) Bakit Pilipino (isang kulay, isang isip) Ang nagpapahirap sa kapwa Pilipino? (Isang ritmo, isang himig) (Isang hakbang, isang sulong) Mga kababayan Hindi naman dapat ganon ang siste- (isang mithi, isang pangarap) (Isang puno, isang ugat) At sa pagkakataong ito Gusto ko lang ipaalam sa inyo na (isang lupa, isang dagat) Daytoy nga kansyon para dagiti kababayak Ipanpanakel ko ti daga nga nakaiyanakak Isnan naet-etken ay kinatured na et adi sinmuko Tapno magunon nan way waya tako Nanduroman lengwahe sikatayo et saksakey Nasarag tayon amin so problema nu mankakasakey Masikan parang kalabo aliwa ing kakung sipag at tiyaga Ali ku paapektu king ninu mang banyaga Mandirigma aking dugo, matapang at lalaban Handang ipagtanggol ang perlas ng silanganan Gabos na mga problema, satong malalampasan Dae kita mapadaog, maski na kinsay pa man (Isang bansa, isang lahi) Lahat tayo, Pilipino (isang dugo, isang tinig) Magkakaiba man tayo ng salita (isang kulay, isang isip) Magkakaiba ng isla (isang ritmo, isang himig) Magkakaiba ng relihiyon (isang hakbang, isang sulong) Ke Kristiyano ka man Ke Muslim ka man (isang mithi, isang pangarap) Ke half-Filipino ka man (isang puno, isang ugat) Kahit ano'ng mangyari (isang lupa, isang dagat) Pilipino ka pa rin Ginsakop kita han banyaga, ngunit kitay lumaban Ha bulig han mga bayani na may ada kakusugan Gihigugma kong Pilipinas, diri ko nagdako Buluwanon, aduhanan, kini akong pulo Mga Pilipino nga maisog ang ara sa ibabaw Para makabuhi sa kamot sa iban lahi nga pangayaw Da bukae so bangsa initind'g so kawaraw Mitind'g bo so singanin kalilintad ago gagaw Laki katupuan di mapatungad sa panggi Mukit man igutom, oh, ulan nyakami bon estidi Bang awun dun mang gura tawaga sadja aku Bisan pa ikamatay ha hula tindugan ku Pagbantu ku Pilipino ku bisan pusine Panji ten tenggehan ku kau bisan pe mag-ine Nuay pwede pelya miski kien kontigo Grita yo enter mundo, iyo ay Pilipino (Isang bansa, isang lahi) Bakit kailangan mong kalabanin ang kapwa mo Pilipino? Ang dami nating kalaban Sinasakop na naman tayo ng mga dayuhan Kinakamkam isa-isa 'yung mga isla sa kanluran Sa tawid-dagat, 'yung mga inaapi nating kababayan 'Yung mga mapagsamantalang mayayaman 'Yung mga ganid sa kaban ng bayan 'Yung mga abusado sa kapangyarihan Ang dami, sobrang dami Pero kaya nating talunin 'yang mga yan Paano? Kung magkakaisa tayo Ito, sasabihin ko sa inyo Walang mang-aapi sa bansang Pilipinas Kung lahat tayo titindig para sa isa't isa (Tatlong bituin at isang araw)