Kaliwa't kanang hirap at saya Lungkot at ligaya na ang aking naranasan Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan At salitan lang ang swerte't kamalasan Natural lang ang mapagod dahil tao lang din Tayo yan ang laging iisipin mo Wala nang daan pabalik tuloy lang ang Pagpanik bawal ang sumuko dito Wag kang maniniwala sa katwirang baliko Na binuhay lang daw tayo para lamang mabigo Kung ikay napagsarhan, wag ka sanang hihinto Susian mo ng sipag kung sarado ang pinto Matamis o mapait parehas dapat tanggapin Tandaan lalong inaalat mga nagmamaasim Kung puro tamis lang ng tagumpay baka magkasakit Ang buhay parang pagkain masustansya pag may pait Di importante na maging komportable dahil Di naman yan ang basehan Tanggapin mga hamon harapin mga Alon sa dagat dahil ikaw ang kapitan Kung manalo edi ganado sa hatian Wag kang kabado sa mga plano na palitan At kung matalo, wag kang magtago sa tabi diyan Diretso lakad ka lang sa anihan Kaliwa't kanang hirap at saya Lungkot at ligaya na ang aking naranasan Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan at Salitan lang ang swerte't kamalasan Natural lang ang mapagod dahil tao lang Din tayo yan ang laging iisipin mo Wala nang daan pabalik tuloy lang ang Pagpanik bawal ang sumuko dito Di mo pwede bastahin yung mga batang taga samin Eh kanino pala dapat kung hindi to para sakin? Ang pangalan ko'y hindi mo kita sana sa ilalim Kung di ko tinuloy ang sakripisyo koy wala rin Ang bandera ng lugar ko ay iaangat ko Hanggang huli kong ngipin ay pangakong 'kakagat ko Pagkat ano man hamon yan alam mong papalag to 'Di lang basta saksak sa likod sinasalag ko Nagkasubukan na nga nung minsang nainip sa pila Ngunit para lang makita 'di ko binuhat aking silya Oo kasi ako to yung bata dun sa eskinita Oh? di yun tipikal yung batang yon ay pambihira Gayahin mo kung pano ko niyakap ang hilig Hanggang sa mapila na sa tinatawag na Big Fish At hanggang magbunga na yung tinanim mo na binhi Sige tsaka mo nga sabihing 'di to pag-ibig? Kaliwa't kanang hirap at saya Lungkot at ligaya na ang aking naranasan Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan At salitan lang ang swerte't kamalasan Natural lang ang mapagod dahil tao lang din Tayo yan ang laging iisipin mo Wala nang daan pabalik tuloy lang ang Pagpanik bawal ang sumuko dito Susuko. (Susuko?) mas mabuti pang sumuka Sa dami ng kutya na nilunok ay puno na ang sikmura Ang pait sa una, napapadalas na nun ang Pag sub-sob ko sa lupa 'nak ng tupa Kaya nung nakaahon ay inubos ko yung hamon Inagahan ko yung bangon, pasok walang baon Magugutom lang ako pag sa problema nagpalamon Kakamaliit nila naka lusot na sa karayom Ang takot na di natin matibag ay nagiging Pader na bilangguan ng mga pangarap natin Abot kamay lang ang pangarap, kung ika'y papalarin Kaya aralin, sanayin samahan ng dalangin Lahat may dipekto pero sinong desidido Na baguhin kanyang kwento Bweno kailangan mong daanan Ang kumpletong proseso Ang premyo pinaka mahusay Na bersyon ng sarili mo Naniwala, nagtiwala, nag-ensayo, lumakas Alam kong may regalo din sa akin ang taas Papabor din ang galaw parang bida sa palabas Oras na para diinan ang tapakan ng gas Binubuhay ng laro Wala nang balak lumiko Sinugal ko nang lahat, bakit pa ko hihinto? Bawal sumuko yan ang sabi sakin ng magtatato Tumatak, Binitbit ko hanggang maging kaya ko (kaya ko) Yung dati lang nakikikaen, Pero ngayon nag aambag na samin Kung pwede lang lahat hilahin, Pero tadhana pa din magsasabi Kailangang paghirapan ang lahat, Wag kang matakot kung ilan ang kumagat Parte yan para maging alamat, Isang daang porsyento mo na isagad! Kaliwa't kanang hirap at saya Lungkot at ligaya na ang aking naranasan Kabilaang paghihirap taas babang kalagayan At salitan lang ang swerte't kamalasan Natural lang ang mapagod dahil tao lang Din tayo yan ang laging iisipin mo Wala nang daan pabalik tuloy lang Ang pagpanik bawal ang sumuko dito