Kishore Kumar Hits

Dj Medmessiah - HUNGHANG şarkı sözleri

Sanatçı: Dj Medmessiah

albüm: HUNGHANG

Ang dami ng mapanlinlang, depende na lang yan sa pakinabang
Mga sabik matamo, mga gustong umabot
Diyos ko po Pinagmukha na tayong hunghang
Isang pangangamusta sa mga anak
Na di malaman ang hulma ng kanilang hinaharap
Lakas pumorma animo'y nakakaakit na talulot
Sa sitwasyon nilang daig pa bahay ng bubuyog
Kabataang di dumanas sa kalsada magtinda
Lakas loob na manira ng hanapbuhay ng iba
Sayo ako nakaharap wag kang umastang bingi
Perang gamit pambisyo sa nanay pa hiningi
Pinag-aral ng magulang panggugulang ang inaral
Maaliwalas na pagmumukha skwating ang asal
Edukadong naturingan may maayos na balabal
Pag-asa ng bayan ang pangunahing sasagabal
Misyon mong mag-ala konsi bat naging konsimisyon
Sa pag-usad ng bansang may mataas na ambisyon
Palagay ko nga, totoo lahat ng binibiro
Kaya bayan ni Juan kasi tamad ang Pilipino
Kamusta din ang mga taong may hangarin na malinis
Hindi halatang madumi kasi panay ang bihis
Kapag satin humarap laging bago ang balat
Tinatago ang burdang sa atin ay nakangarat
Alagad daw ng batas pero parang may sablay
Sa kamay nilalagay kaya merong namamatay
Ibang klaseng magsasaka sila kung di nyo napansin
Umaani ng sagana kasi satin nagtanim
Bagong bayani kuno nagtataguyod daw ng tama
Pag aking isiniwalat ako'y sasalo ng bala
Tapos sasabihin sakin di lahat ganyan ganon
Kung totoo bakit di ko man lang naranasan yon
Di naman purong banal pero kung tatanungin nyo ko
Diyos ba ang susunod sa aral na gawa ng tao
Pag mayaman negosyante tawag pag mahirap tulak
Benta mo palasyo mo para may pambili kang utak
Ang dami ng mapanlinlang depende na lang yan sa pakinabang

Palagay ko nga totoo lahat ng binibiro

Mga sabik matamo mga gustong umabot
Diyos ko po Pinagmukha na tayong hunghang

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar