Kishore Kumar Hits

Mike Hanopol - Nararamdaman şarkı sözleri

Sanatçı: Mike Hanopol

albüm: 18 Greatest Hits Mike Hanopol


Bigla ka na lang dumating
Sa aking buhay
Lahat ng kailangan mo
Ay aking binigay
Tinuruan mo akong mahalin ka
At ibigin ka nang tapat
Ako'y nasilaw sa 'yong ganda
Naakit ng 'yong mga mata
Kitang-kita ko
Lampas ang tingin ko sa 'yo
Pinagbibigyan mo lang ako
Sumasakay ka lang naman
Sinisigaw ko ang aking nararamdaman

Sinabi mo noon sa akin
Na ako lamang ang mahal mo
Kay tagal nating nagsama
Iniwanan mo pa rin ako
Masakit sa aking kalooban
Na ikaw ay lumisan
Mabuti naman ang ating samahan
Hindi tayo nagkalaban
Kitang-kita ko
Lampas ang tingin ko sa 'yo
Pinagbibigyan mo lang ako
Sumasakay ka lang naman
Sinisigaw ko ang aking nararamdaman

Nararamdaman mo na ba
Ang iyong nagawa?
Sa palagay mo kaya ngayon
Ikaw ba'y maligaya?
Kapag ikaw ay nagsawa na
Saan ka na naman pupunta?
Doon na naman ba sa dati
Sa pugad ng iba't iba?
Kitang-kita ko
Lampas ang tingin ko sa 'yo
Pinagbibigyan mo lang ako
Sumasakay ka lang naman
Sinisigaw ko ang aking nararamdaman
(Sinisigaw ko ang) nararamdaman
(Sinisigaw ko ang) nararamdaman
(Sinisigaw ko ang) whoa-oh-oh

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar