Kishore Kumar Hits

Mike Hanopol - Idilat Ang Mata şarkı sözleri

Sanatçı: Mike Hanopol

albüm: 18 Greatest Hits Mike Hanopol


Ibig kong makita ka sa tuwi-tuwina
Saglit man lang ay pagbigyan mo ang damdamin ko
Kahit ayaw mo na sa akin, ikaw pa rin ang mahal ko
Alam kong lumalayo ka na sa'kin
Meron ka na yatang ibang mahal

Lagi kong naaalaala ang ating nakaraan
Lumuluha na lang ako kapag naiisip ko ang ating sumpaan
Ilang beses mo nang sinabi, ako lamang ang mahal mo
At iniwanan mo ako nang ganito, sinaktan mo ang puso ko
Buksan mo ang iyong puso, idilat mo ang iyong mga mata
Upang ikaw ay makakita
Buksan mo ang iyong puso, idilat mo ang iyong mga mata
Upang ikaw ay makakita

Sana'y matagpuan mo ang tunay na pagmamahal
Idadalangin ko na lang na sana'y lumigaya ka
Mag-ingat ka lang sana, pagkat maraming tukso
Lalo na sa panahong ito, madali kang iligaw ng isip mo
Buksan mo ang iyong puso, idilat mo ang iyong mga mata
Upang ikaw ay makakita
Buksan mo ang iyong puso, idilat mo ang iyong mga mata
Upang ikaw ay makakita
Buksan mo ang iyong puso, idilat mo ang iyong mga mata
Upang ikaw ay makakita

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar