Kishore Kumar Hits

Anthem for Maria - Nayeon şarkı sözleri

Sanatçı: Anthem for Maria

albüm: Romance Dawn, Arc 1: Nayeon + Ahoy!


Biglang tumigil ang aking mundo
Nang ikaw ay makilala ko
Tanong ko nga lang sa sarili ko
"May pag-asa ba ako sayo?"
Bawat sulyap sa'yong ganda
Ako'y napaparalisa
'Di makatingin, nahihiya
Pero 'di mapigil ang saya
Kailan ko ba masasabing
"Mahal na nga kita"
Kung nakikinig ka nga lang sana
Maririnig mo ang aking kanta
Ang puso ko na ang maglalathala
Lahat ng aking nadarama
Matutulog ng mahimbing (ng mahimbing)
Isa lang ang aking hiling
Ang ako'y iyong mahalin
Baka ako ay makasuhan mo
Sa pagnanakaw ng tingin sayo
Hanggang kailan pa ba akong ganito?
Hanggang kailan ko ililihim sayo?
Mga ngiting tinitipid
Ayoko lang malaman na
Gusto kita, nahihiya
Pero 'di mapigil ang saya
Kailan ko ba masasabing
"Mahal na nga kita"
Kung nakikinig ka nga lang sana
Maririnig mo ang aking kanta
Ang puso ko na ang maglalathala
Lahat ng aking nadarama
Matutulog ng mahimbing (ng mahimbing)
Isa lang ang aking hiling
Ang ako'y iyong mahalin
Natatakot umibig
Baka 'di mo ibig
Baka ika'y hindi para sa'kin
Natatakot umibig
Baka 'di mo ibig
Ibubulong na lamang sa hangin
Kung nakikinig ka nga lang sana
Maririnig mo ang aking kanta
Ang puso ko na ang maglalathala
Lahat ng aking nadarama
Kung nakikinig ka nga lang sana
Maririnig mo ang aking kanta
Ang puso ko na ang maglalathala
Lahat ng aking nadarama
Ikaw na 'yon, ikaw na 'yon
Mahal na nga kita
Ikaw na 'yon, ikaw na 'yon
Mahal na nga kita
Ikaw na 'yon, ikaw na 'yon
Mahal na nga kita
Ikaw na 'yon, ikaw na 'yon
Mahal na nga kita

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar