Mga matang nagpapanggap Sabik sa bawat pag-tingin, hinihintay ang pag-dilim Mga bituin sa'yong harap Sakaling lumuhod ang tala, tawagin natin 'tong tadhana Hindi na tama buhat pa 'nung tayo ay mag-umpisa At kung maulit man muli wala rin balak na baguhin pa Mga gintong sandaling ninakaw ko Naka-ukit na sa isip ang larawan mo May bitbit na gasolina at posporo At sabay na silaban ang paligid na'to ♪ Hukayin natin ang kislap Hayaang humalik sa lupa at tahakin ang landas ng liwanag Sa palad kong sugat-sugat Hawakang mahigpit ang lubid, hugutin natin ang pag-ibig Hindi na tama buhat pa 'nung tayo ay mag-umpisa At kung maulit man muli wala rin balak na baguhin pa Mga gintong sandaling ninakaw ko Naka-ukit na sa isip ang larawan mo May bitbit na gasolina at posporo At sabay na silaban ang paligid na'to ♪ Wala nang hahadlang, sa ating pupuntahan (wala na! Wala na!) Wala nang hahadlang, sa ating hahantungan (wala na! Wala na!) Wala na sa ating maka hahadlang (wala na! Wala na!) Sa destinasyon na kasasadlakan (wala na! Wala na!) Wala nang hahadlang, sa ating pupuntahan (wala na! Wala na!) Wala nang hahadlang, sa ating hahantungan (wala na! Wala na!)