May salbabida ka bang nakikita? Kumapit ka, binabaha ka ng karma (karma) Sarado ang langit, ba't ka nabahala? Kabado ka ba at walang mahanap na tala? (Na tala) Walong dipa mula sa hagdanan Umakyat ka pa, hindi mo matatakasan Pagdaloy ng pag-ibig na ginawa mo Bumubulong sa 'di kalayuan Itim na puso'y 'di pahihintulutan Wakasan ang panalangin ko Bago ang kulog, may kidlat Parusa sa pag-ibig na tapat 'Di ko masisikmura Kung bigla na lamang mawawala Kasabay ng pagbabago ng senaryo Kailan ba naging Pebrero ang Senakulo? Mayro'n bang kapalit na premyo Ang pangakong naipako na kasama si Kupido? Saranggolang hawak mo sa 'yong kanan Matalim na punyal sa kaliwa ang 'yong tangan (ay tangan) Isang prosesong walang katiyakan Madugong labanang walang nais masugatan (masugatan) Walong dipa mula sa likod mo Saradong kamay, nakaamba sa gatilyo Pasabugin ang sentido ng pag-ibig mo Prinsesang walang prinsipe at kastilyo Walang korona, hawak ay sigarilyo Kasabay ng usok, halik ay maglalaho Bago ang kulog, may kidlat Parusa sa pag-ibig na tapat 'Di ko masisikmura Kung bigla na lamang mawawala Kasabay ng pagbabago ng senaryo Kailan ba naging Pebrero ang Senakulo? Mayro'n bang kapalit na premyo Ang pangakong naipako na kasama si Kupido? ♪ Sa bawat nasirang pangako Ay may pait na kapalit, sa dila'y 'di mawawaglit Sa bawat nasirang pangako Ay may pait na kapalit, sa dila'y 'di mawawaglit Kasabay ng pagkalunod mo Ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko Kasabay ng pagkalunod mo Ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko Sa bawat nasirang pangako Ay may pait na kapalit, sa dila'y 'di mawawaglit Kasabay ng pagkalunod mo Ay kikitilin na ang masamang ugat na dumadaloy sa puso ko Bago ang kulog, may kidlat Parusa sa pag-ibig na tapat 'Di ko masisikmura Kung bigla na lamang mawawala Kasabay ng pagbabago ng senaryo Kailan ba naging Pebrero ang Senakulo? Mayro'n bang kapalit na premyo Ang pangakong naipako na kasama si Kupido?