Benditado ng iyong luha Ang iyong kutis porselana Na mga pisngi Pababa sa mala-rosas na labi Batid mo bang wala ka na? Walang anino at paa Ika'y multo na lang sa puso't isip Langit, lupa, impyerno Saksak puso, tulo ang dugo Matulin ka pa sa bala ko Ngunit 'di tulad ng una na nakaiwas ka Hindi ngayon Sa hawak kong munting patalim Sa iyong kukong kulay itim Marikit ngunit matalim Unti-unting binabaon sa'king balat, dumidiin Batid ko ang iyong presensya Na parang musika Ika'y labi nalang nitong pag-ibig Langit, lupa, impyerno Saksak puso, tulo ang dugo Matulin ka pa sa bala ko Ngunit 'di tulad ng una na nakaiwas ka Hindi ngayon Sa hawak kong munting patalim Inukit at nilagyan ng ekis Ang pangalan mong may hugis Puso na nakapaligid Na may tama ng palaso Subukan mong hanapin Ang mga salita sa hangin Alin ang para sa'kin At alin ang dapat bawiin na Planado ba ang kilos mo? Nung ako'y makita mo Langit, lupa, impyerno Saksak puso Matulin ka pa sa bala ko Ngunit 'di tulad ng una na nakaiwas ka Hindi ngayon Sa hawak kong munting patalim Langit, lupa, impyerno Saksak puso, tulo ang dugo Matulin ka pa sa bala ko Ngunit 'di tulad ng una na nakaiwas ka Hindi ngayon Sa hawak kong munting... Patalim