Martes, alas-diyes, me araw pa no'n Sa me poste ng kuryente Merong tambay na'ng hanapbuhay Ay ang mag-antay ng lagay. Byernes, alas-tres, umuulan no'n Sa me poste ng kuryente Sa may kanto Bonifacio Merong siga na nanunuba At tuwang-tuwa sa kita. Bagong amo at supremo, nang-oonse Magkano'ng presyo mo, beinte ba o ube Bagong amo at supremo, tsokolate Sa kanto Bonifacio, me asong kalye. Linggo, alas-otso, bumabagyo no'n Sa me poste ng kuryente Sa me kanto Bonifacio Merong maton na nangongotong At taun-taon ay nandoon. Nagkakape, nagkakape Asong kalye na nagkakape Asong kalye na nagkakapera.