Kishore Kumar Hits

Top Suzara - Salamin - Barangay 143 Official Soundtrack şarkı sözleri

Sanatçı: Top Suzara

albüm: Salamin (Barangay 143 Official Soundtrack)


Dalawa ang kaharap mo ngayon
Isang umuurong, isang sumusulong
Ano na nga ba ang iyong gagawin?
Pagharap sa salamin
Umiiwas sa'king kahapon (sa'king kahapon)
Umiiwas sa mga ala-ala (umiiwas)
Kailan may 'di babalikan (di babalik)
Mga ayoko nang maalala (ayoko na)
Ngayon ako'y naririto (naririto)
Ngayon ako'y nalilito (litong-lito)
Tutuloy ba 'ko o hihinto? (O hihinto)
Ano na nga ba ang gagawin ko?
Sabi nga nila, maraming namamatay sa akala
Mukhang tama kanilang hinala 'di makapaniwala
Kasi kahapon lang, magkakasama kami
Parang kahapon lang, nandito sila sa'king tabi
Parang kahapon lang, ako ang pinakamagaling
'Yon pala, walang-wala pa sa katiting
Ng tunay kong landas na sa'ki'y nakalaan
Sa kasaysayan, may papel akong dapat gampanan
Hahanap ng lakas loob at nang katapatan
Dapat 'di ka magpapataob sa harap nang iyong kalaban
Susugurin ba ang bukas o iiwas ka nalang?
Sa larong ito ng buhay ay walang iwanan
Dalawa ang kaharap mo ngayon
Isang umuurong, isang sumusulong
Ano na nga ba ang iyong gagawin?
Pagharap sa salamin (ano ang gagawin pagharap sa salamin?)
Ang tagumpay, nakasalalay sayo
Ang kahapon, ngayon, at ang bukas mo (bukas mo)
Tanggapin mo
Harapin mo
Pag-isahin mo sila
Pagharap sa salamin
Oh ano, ano nang gagawin mo?
Alam mo ba ang gagawin mo?
Pagharap sa salamin
Oh ano, ano nang gagawin mo?
Walang haharang sayo, kung 'di sarili mo
Patutunayan mo nga ba sa sarili mo?
Na, kay rami nang manlalaro ngunit ikaw ay iba
Sa kanila, sa dami ng iyong karanasan
Panahon na para ang nakatago ay 'yong buksan
Yakapin mo ng mahigpit ang katotohanan
'Yung tao diyan sa salamin, tol kakampi mo yan
Huwag kang pumayag ibangko ang iyong kakayahan
Ituloy mo ang laro, liga ng buhay mo 'yan
Ito na ang pagkakataon mong malampasan
Ang mga tinatakasan mo sa iyong nakaraan?
Mga multong ala-ala na gumagapos sa'yo
Ngayon malaya ka na at walang makakapigil sa'yo (sugod na)
Kahit sino pa 'yan, aking lalabanan (sulong na)
Tayo'y lalabanan ng may buong tapang 'di papatalo (hindi)
Lahat ibibigay upang manalo (Barangay 143)
Tuloy ang laro
Liga ng buhay ko 'to
Dalawa ang kaharap mo ngayon
Isang umuurong, isang sumusulong (ngayon susulong ako)
Ano na nga ba ang iyong gagawin?
Pagharap sa salamin (alam ko ang gagawin ko)
Ang tagumpay nakasalalay sayo
Ang kahapon, ngayon, at ang bukas mo
Tanggapin mo
Harapin mo
Pag-isahin mo sila
Pagharap sa salamin
Tanggapin mo ang hamon
Ang hamon na huhubog sayo
Pagharap sa salamin
Tanggapin mo ang hamon
Ang mismong hamon na huhubog sayo
Pagharap sa salamin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar