O aking minamahal, Hanggang kailan ka ba maglalakad sa panaginip ng mga gising? Sa daigdig na iniluwal ng iyong ulirat upang Itago ang dibinidad sa loob ng mortal na katawan Buksan mo ang iyong mata, ikaw na nahihimlay Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman Sa landas na walang wakas Sa konseptong hindi mabatid Anyong higit pa sa anyo IMORTALIDAD! Iluminasyon ng bathalang mortal Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw Iluminasyon ng bathalang mortal Ako ang tanglaw, ako ang tanglaw Hindi mo ba naaalala ang aking mukha? O, kay tagal mo ng nahihimbing sa loob ng iyong balat Sisidlan! Sisidlan lamang ang mortal na katawang hindi mo mabitawan Tuklasin mo akong muli, Tuklasin mo ako sa dilim Ako ang katotohanan sa likod ng iyong kamalayan Buksang mo iyong mata, ikaw na nahihimlay Maglakad kang muli sa aking tabi magpakailanman Sa landas na walang wakas Sa konseptong hindi mabatid Anyong higit pa sa anyo Ang huling pagtawid ng kaluluwa Patungo sa bulwagan ng kahariang walang katapusan Ako ang tatayong gabay sa landas na walang makatahak Sundan mo ang aking yapak patungo sa walang hanggan At maging ganap muli, at maging ganap Ako ang daan, ako ang liwanag, ako ang Kristong itinago mula sa mundo Ako ang serpyenteng siyang Magbubukas sa kamalayan ng buong sangkatauhan