Malapunyal ang iyong mga salita Kampilan na pula at nagliliyab Walang kapantay, brilyong gabay Hanggang tagumpay taglay Kailanman ang talim ay hindi napupurol Amoy ko pa ang gintong palayan Ang daloy ng tinig mo naririnig Tamis ng sinag ng nakaraan Ngayon ang nangingibabaw ay lansa ng dugo Bigla na lang sila dumating May pangil ang baluktot na ngiti "Luhod!" Ang una nilang hiling Ika'y tumindig Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala! Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala! Malapunyal ang iyong mga salita Kampilan na pula at nagliliyab Walang kapantay, brilyong gabay Hanggang tagumpay taglay Ang talim ay hindi napupurol Ang iyong mga salita kailanman ay hindi napupurol Sa kanilang harapan ika'y tumayo at hindi na muling lumuhod Hindi na muli luluhod Malapunyal ang iyong salita Kampilang pula at nagliliyab Walang kapantay, brilyong gabay Hanggang tagumpay Hanggang tagumpay taglay Alam kong hindi madali ang maningil ngunit Ako ay hindi na muli ikakaladkad ng tanikala