Kishore Kumar Hits

Dasu - 86 şarkı sözleri

Sanatçı: Dasu

albüm: NAKAKAPAGPABAGABAG


Iniisip mo pa rin ba ang pagod at sakit?
Puno pa ng pangamba
Naghihintay pa rin ng makakapitan
Ngayo'y 'wag maduhagi, ako ay nariyan
Aking irog, 'di ka na mababalikan
Ng araw na ika'y pinahihirapan
Ang kagandahan mo'y 'di pa rin kumupas
Sa bawat oras pang pilit na lumipas
Ngunit bakit tila puso mo'y sawi na, patuloy pang inaapi?
Bawat salita nila'y hinuhugos nang makasakit
Dininig ng langit ang iyong panalangin
Pilit kong binabanggit sa 'yo na, ah
'Di na maglalaho pa ang mga kislap sa 'yong mata
Ako'y nagagalak na makita kang ligtas mula sa kadiliman
Ang iyong ngiti ay parang bituin na nagniningning sa kalangitan
Maaari nga bang makasama rin kita sa aking mga pangarap?
Nagdaan ang araw, tayo ay hindi na matitinag
Pilit na lumaban
Ang dulo ng mundo'y puno ng kasinungalingan
At pangako na 'di man lang napagbigyan
At bakit nga ba tila nagbago ka na?
Hindi na gaya dating puno ng saya
Nangangamba ka bang malinlang ka niya?
Ang awit ng dilim habang tumatawa
Tila tumalima nang mabilis ang pangyayari
Ang kanyang pagtingin sa 'kin ay 'di na tulad dati
May nabanggit ba ako na sa 'yo'y nakasakit?
Patawad sa 'king sasabihin na katotohanan
"Tila nagbabago na ang pagluhog ng tadhana
Ang tanging hinangad sa iyo'y walang iba kung hindi kapahamakan
Ang aking ngiti ay napakatamis, ngunit dito'y tatapusin ko na
Ang aking pagpapanggap, paalam na sa iyo, 'di na kita kailangan"

Bakit nabubuhay pa ang isang katulad kong hangal?
Isang kahamakan ba ang paghangad man lang ng isang tiyak na bukas?
Kung naririnig ang tanging hinaing ko sa langit, sana'y pagbigyan
Paano na nga ba hahanapin ang wakas na walang patutunguhan?
Ah-ah, bakit naglalaho na ang mga kislap sa 'yong mata?
Balot ng pangamba ang aking mga mata at ako'y nababahala
Sa iyong ngiti na kalayaan din ang minimithi, lumisan na ba
Ang tangi kong pag-asang talikuran mo na lang ang nais ng kasamaan?
"Ang aking hiling ay wasakin ang ngiti na dumadampi sa 'yong mukha
Hindi na masaya kung patas pa rin lumaban sa 'yo ang kadiliman
'Di ako sabik sa tangi mong sambit na makakamit ang kabutihan
Paalam, kaibigan, sa iyong paglalakbay na walang pinatunguhan"

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar