Nakakita ka na ba ng mga pekeng pagkataong Umaaligid sa 'yo? Nakasagap ka na ba ng mga balitang 'Yon pala'y 'di naman totoo? Pindot doon, pindot dito Komento agad, 'di naman alam buong kuwento mo Ganito na ba ang sistema? Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa? Dapat ang henerasyon natin, nakatuon sa realidad pa din 'Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba Lahat ng bagay ay gamitin sa buti, pero 'wag masyadong mawili Halaga ng buhay, 'wag balewalain Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin Kokontrolin 'Wag mong hayaan kang kontrolin ('Wag mong hayaan) kokontrolin 'Wag mong hayaan Nakakabahala man ang paligid na ginagalawan 'Di dapat dumepende sa mga materyal na bagay lang Isip muna bago magdedisyon, para tama ang solusyon Nang hindi magsisi at umiyak sa bandang huli Kasi pindot doon, pindot dito Komento agad, 'di naman alam buong kuwento mo Ganito na ba ang sistema? (Ganito na ba ang sistema?) Kaibigan pa ba ang mundong tinatamasa? Dapat ang henerasyon natin, nakatuon sa realidad pa din 'Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba (sabi ng iba) Lahat ng bagay ay gamitin sa buti, pero 'wag masyadong mawili Halaga ng buhay, 'wag balewalain ('wag balewalain) Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin Nasa dulo, 'di mo na kayang bitawan Kasi nasanay ka na ('wag kang masanay, 'wag kang masanay) 'Wag sanang dumating sa puntong 'di mo na kilala maski sarili mo Kasi nawala ka na (nawala ka na), 'wag naman sana Dapat ang henerasyon natin, nakatuon sa realidad pa din 'Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba Lahat ng bagay ay gamitin sa buti, pero 'wag masyadong mawili Halaga ng buhay, 'wag balewalain Para ang mundong ito'y 'di ka... Dapat ang henerasyon natin, nakatuon sa realidad pa din 'Di nakadepende sa basta sabi-sabi ng iba Lahat ng bagay ay gamitin sa buti, pero 'wag masyadong mawili Halaga ng buhay, 'wag balewalain Para ang mundong ito'y 'di ka kokontrolin Hmm, la-ra-ra-ra, da-da-ra-da Kaya mag-ingat ka sa mga pekeng pagkataong Umaaligid sa 'yo