Siguro nga, mabilis ang panahon Parang dati ay nagkikilalanan lang noon At ngayon, higit pa sa magkakaibigan ang turingan Pinatibay ng taon ang ating mga samahan Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal Tambay sa bahay ng isa, libreng meryenda galing kay tita Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm Oh, siguro nga magwawatak-watak ng landas Pero ang koneksyon ay hinding-hindi maaalpas Dumaan man ang araw, sila pa rin ang natatanaw Na iiyak at kakantiyaw 'pag ako ay kinasal Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal Sa klase, 'pag babanyo ang isa, lahat ng tropa ay sasama Sabik na maulit, kasama kaibigan ay isusulit Para madagdagan ang alaalang itatabi, hmm Dagdag na alaala, kaibigan Dagdag na alaala, kaibigan Dagdag na alaala, kaibigan Higit pa sa magkakaibigan ang turingan Pamilyang matatawag ang samahan Hindi lang tagapunas ng luha o tagabigay ng ngiti At sila'y hindi ka ikakahiya o iiwan sa huli Pwede bang ibalik? Mga halakhak nating sagaran, 'di alam patutunguhan Mga tampuhang mababaw na hindi nagtatagal Alam kong 'di tayo pabata, kaya ginawa ko itong kanta Para may balikan na alaalang itinabi, hmm Dagdag na alaala, kaibigan Dagdag na alaala, kaibigan Dagdag na alaala, kaibigan Kay sarap balikan alaalang magkakaibigan