'Di mo ba alam na ikaw lang ang hinihintay na igalaw ang baso
Para mabasag ang katahimikan?
Ang kalabog ng puso ko'y rinig hanggang sa kabilang kanto
At isang tanong mo lang, walang ibang sagot kundi "oo"
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan
At ako'y tanungin ng "P'wede bang akin ka lang?"
Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang)
Sa 'yo lang ako hanggang sa walang hanggan
Sa 'yo lang, sa 'yo lang, sa 'yo lang
'Di mo ba alam na ikaw lang ang nakita kong sa akin ay seryoso
Sino ba naman ang 'di mahuhulog?
Ang ngiti, 'pag nakita ka'y abot hanggang sa kabilang kanto
Pati sa aking pamilya, sa 'yo lang sila naging kalmado
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan
At ako'y tanungin ng "P'wede bang akin ka lang?"
Oo, sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Sa 'yo't sa 'yo lang (sa 'yo lang), sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat (sa 'yo lang)
Sa 'yo lang ako hanggang sa walang hanggan
(Sa 'yo lang, sa 'yo't sa 'yo lang) hah, sa 'yo lang, sa 'yo lang naramdaman
Ang ganitong kilig, takot, kaba, nginig, saya, lahat-lahat, sa 'yo lang
(Sa 'yo lang)
Alam kong tayo'y patungo rin naman dito
Ikaw lang naman ang hanggang sa dambana
Gusto kong makasama at pangangakuan ng "oo"
Ako'y sa 'yo lang (sa 'yo lang)
Поcмотреть все песни артиста