Doon akala ko'y sagabang lang ang pagsinta Sarili ang mundo't walang itinatanging iba Ligaya ko'y nadarama sa 'king pag-iisa Hanggang dusa sa buhay ko ay nasilayan ka Tibok ng puso ko'y tuloy-tuloy sa pagpintig Sumisigaw, sumasamong ako'y umiibig Damdamin at tuwina na di ko nais marinig Unti-unting bumabagal sa tahimik mong daigdig Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin Ang diwa ko'y parang bituin naglalakbay man din Gayong malamalasap kung may naglalambing Ang araw at gabi parating nang nagningningning Kailan pa may hindi na iibigin pang muli Ang mag-isa't kahit paulit-paulit masawi Sayong piling ang puso ko'y laging nakangiti Pag-ibig mo'y ligaya ko sa bawat sandali Ang alay mong pagmamahal ay kay sarap damhin Ang diwa ko'y parang bituin naglalakbay man din Gayong malamalasap kung may naglalambing Ang araw at gabi parating nang nagningningning Habang buhay sa puso ko'y tanging ikaw sinta Bawat saglit kahit sandali sa tuwina'y kay ganda Sa hirap at ginhawa at laging magsasama Ngayon at kailanma'y di na muling mag-iisa...