Narito ka't tumatangis Sa 'yong munting paraiso Pagmasdan mong paligid nito Inaamag, inaagiw Heto ako't sumasamo Dinggin ang aking pagsuyo Sanlibo't isang paraiso'y Inaalay ko sayo Tayo na giliw sa malawak na kalikasan At salubungin ang bukang liwayway Madarama mo ang pagsabog ng liwanag Mahahawakan mo bahaghari at ang sinag Sa tuwina'y mamahalin ka Giliw, dalangin ko'y iwan mo na Ang 'yong paraisong parisukat Sanlibo't isang paraiso'y Inaalay ko sa iyo, giliw Dalangin ko'y iwan mo na Ang 'yong paraisong parisukat Sanlibo't isang paraiso'y Inaalay ko sa iyo habang nabubuhay ako Paraisong ito'y handog ko sa iyo lamang Giliw...