Simbang Gabi na naman Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan Ang simoy ng hangin Dahan-dahan na humahaplos Sa mukha ng bawat tao Bumabagsak-bagsak pa ang mata Dahan-dahang kumislap Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan Kung sa'n magkasama tayong nagdasal At nakinig sa Misa de Gallo Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto Nang magkahawak ang ating mga kamay Umawit mga ulap at sabay Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila... Ang sabi nila... Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi Ang sabi ko sa sarili, baka ito na'ng huli Pero mula nu'ng unang Ama Namin na Ang iyong kamay ay hinawakan 'Di mo na binitawan Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng Pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila (ang sabi nila) Ang sabi nila (ang sabi nila) Oh, ang sabi nila... Ang sabi nila Bil'han mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana Oh, bil'han mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana