Lagi na lang akong dumudungaw sa may bintana Upang masulyapan kahit anino mo man lamang Nagbabakasakaling ikaw ay lumingon Ano kaya itong aking nadarama? ♪ Araw-araw ako'y naghihintay sa may bintana Nananalangin, sana'y hindi ka pa nagdaraan Parang bumibilis tibok nitong puso Pag-ibig ba itong aking nadarama? Napupuyat sa kaiisip, nababato't naiinip Laging laman ng panaginip 'Di kayang magtiis, isang araw sa may bintana Nang 'di kita masulyapan, makindatan man lamang Tumitigil buong mundo sa twing ika'y nagdaraan ♪ Araw-araw ako'y naghihintay sa may bintana Nananalangin, sana'y hindi ka pa nagdaraan Parang bumibilis tibok nitong puso Pag-ibig ba itong aking nadarama? Napupuyat sa kaiisip, nababato't naiinip Laging laman ng panaginip 'Di kayang magtiis, isang araw sa may bintana Nang 'di kita masulyapan, makindatan man lamang Tumitigil buong mundo sa twing ika'y nagdaraan Sa may bintana