Ooh-ooh Alas tres ng umaga tila tulala, nagising, naalimpungatan Pabulong sa bituing makinang, hiniling ko sa buwan at baka lang pagbigyan Masama ba namang pangarapin na tayong dalawa ang magkatuluyan O mapanaginipan? Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari Magkadugtong sana, nagbabakasakali Nang biglang may nangyari Parang nabuksan ang bintana ng langit Parang nag-iba na ang ihip ng hangin Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado Parang may nangyaring milagro Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman Alapaap sa layong pangarap ang aking dasal na pagmamahalan 'Di ko kayang labanan Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari Magkadugtong sana, nagbabakasakali Nang biglang may nangyari Parang nabuksan ang bintana ng langit Parang nag-iba na ang ihip ng hangin Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado Parang may nangyaring milagro Sa 'king mundo, may kulay pa ang bahaghari Magkasundong pag-ibig ang nagmamay-ari Magkadugtong sana nagbabakasakali Nang biglang may nangyari Parang nabuksan ang bintana ng langit Parang nag-iba na ang ihip ng hangin Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado Parang may nangyaring milagro Woah-oh-oh, milagro (parang nabuksan ang bintana ng langit) Woah-oh-oh, milagro (parang nag-iba na ang ihip ng hangin) Nang pinagbigyan ang tadhanang sarado, sagrado Parang may nangyaring milagro Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan (oh-ooh-ooh) Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman (woah-oh-oh, milagro) Madalas madulas, mailap, mabigat tanggapin ang katotohanan Na ikaw at ako ay iba, malamang, ang damdaming nararamdaman