'Di ba tayo'y narito upang maging malaya? At upang palayain ang iba Ako'y walang hinihiling, ika'y tila gano'n din Sadya'y bigyang laya ang isa't-isa Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo ♪ Ang bawat simula ay s'ya ring katapusan May patutunguhan ba ang aking pagsinta? Sa biglang tingin, kita'y walang kinabukasan Subalit 'di malupig ang pag-asa Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama Sa magkabilang dulo ng mundo Sa magkabilang dulo ng mundo