Bagong araw na naman na wala ka sa tabi, yeah (wala ka sa tabi), oh Nasa isip na naman ang aking mga mali, yeah Kailan mo ba mapapatawad? Kailan ka ba makakasama muli? Yeah, yeah Ano'ng nilalaman ng puso mo? (Laman ng puso mo) Tinangay na ng hangin Ang aking mga panalangin Na ika'y muling mapasaakin Wala nang magawa kung ito ang kapalaran Sumasabay na lang sa alon Tinatago na lang ang takot Na puso mo'y 'di na mababago Wala nang magawa kung ito ang kapalaran Kailangan ka nang marinig Ang puso ko'y lumalamig Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal Sa paglipas ng gabi na wala ka sa tabi, yeah, oh Iniisip na naman mga pagkakamali, yeah Paano ba mapapatawad? Kailan ka ba makakasama muli? Yeah, yeah Ako pa ba'ng laman ng puso mo? (Laman ng puso mo) 'Di nakaila ng hangin Ah, aking mga panalangin Na ika'y muling mapasaakin Wala na bang pag-asang mabago'ng kapalaran? Sumasabay na lang sa alon Tinatago na lang ang takot Na puso mo'y 'di na mababago Wala nang magawa kung ito ang kapalaran Kailangan ka nang marinig (kailangan ka nang marinig) Ang puso ko'y lumalamig (lumalamig) Sabihin mo ang kapalit ng iyong pagmamahal Ikaw pa rin hanggang ngayon ang hanap-hanap Sulyap sa panaginip at pangarap Huli na ba't ito na ba ang hangganan? Walang liwanag ang lahat nang 'ka'y mawalay Tanging ikaw ang nagbigay ng kulay Huli na ba't ito na ba ang hangganan? Tinangay na ng hangin Ang aking mga panalangin (panalangin na) Na ika'y muling mapasaakin Huli na ba't ito na ba ang hangganan? Sumasabay na lang sa alon Tinatago na lang ang takot Na puso mo'y 'di na mababago Huli na ba't ito na ba ang hangganan? Ooh, ooh Huli na ba't ito na ba ang hangganan?