Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan Para sa 'yong mga mahal sa buhay? Walang ganang umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa 'min No'ng unang panahon Nagpaabuso na tayo sa Kastila Nilapastangan ng mga Hapon Ating kababaihan ay inalila Bakit 'di pa tayo natuto do'n? Lumipat lang sa mga mukhang manika Mga dura nila, nilululon Habang sumisigaw ng pagkadakila Kailan kaya kita makikita Na kay saya at tunay na malaya? Ha 'Di ko gusto na iwan ka lang dito, pero Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan Para sa 'yong mga mahal sa buhay? Walang ganang umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa 'min Kay dami nang mga santong nangako Pero kabaong lang ang s'yang kinahantungan Nailibing nang lumaon, lalo na't may mga taong Parang manok kung manabong Sadyang makukulit, uulit-ulitin Maitapon lang ang tama Awa, nakakasawa Para kang naiwan nang mag-isa sa lawa Hawak ang lamang, habang tawa nang tawa Talo ka habang sila'y dama nang dama 'Di na ba tayo matututo? Ilan pa ba ang dapat na ipakong Kristo Ng mga tagabantay na kunwari'y listo Harapan ang tanggi, harap-harapang bisto Is-is ka nang is-is, nipis nang panipis Inis kakatiis sa ulam na panis Bilis, tama na, please, mintis ka nang mintis Bigkis sa 'king paa't kama'y 'di ko maalis Sabihin mo, darating ba Ang araw na 'di ka takot iwanan ang mga mahal mo Sa bahay na hindi sila mababasa Tuwing malakas ang bagyo? Darating ba Ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo? Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo 'Pag tinatanong ang karapatan mo Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan Para sa 'yong mga mahal sa buhay? Walang ganang umangal kasi gano'n talaga Sabihin mo, darating ba Ang araw na 'di ka takot iwanan ang mga mahal mo Sa bahay na hindi sila mababasa Tuwing malakas ang bagyo? Darating ba Ang araw na 'di kailangang itago ang mga yapak mo? Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo 'Pag tinatanong ang karapatan mo Punong-puno ka ng pag-asa Lunok lang kahit na 'di mo alam ang lasa Na para kang pinahawak ng dinamita Magsisindi ng mitsa ay sila Bakit kaya hinahayaan mo na Nakawin ang mga pinaghirapan Para sa 'yong mga mahal sa buhay? Walang ganang umangal kasi gano'n talaga Ang paliwanag sa 'min