Pagpupugay sa kabayanihan ng sundalo Kawal na nagsisikap upang tagumpay ay matamo Pakikipaglaban, pagsulong sa kapayapaan Buong loob at tapat na nagsisilbi sa bayan Buhay ay iaalay para sa Inang Bayan Upang makamtan ang katahimikan Giting at tapang ang aming tinataglay Kahit alam namin na ang isang paa ay nasa hukay Walang ibang iniisip kundi ang kaligtasan Hindi alintana anumang dumating na sakuna Makamit lang ang hinahangad na kapayapaan At maibigay para sa mamamayan Lalabanan at lalagpasan ang mga unos Buong tapang at lakas ay ibubuhos Kahit sa pamilya ay mapalayo ng ilang buwan Handang isantabi ang sariling kaligayahan Ito ang kabayanihan ng sundalo Kahit pandemya o bagyo'y hindi matitinag nito Sinumpaang tungkulin sa Diyos at gobyerno Magpakaylanman ito'y para sa inyo Mithiin ng sundalo ay kapayapaan sa lahat Kabayanihan ng sundalo ay naipamalas Ito ang kabayanihan ng sundalo Kahit pandemya o bagyo'y hindi matitinag nito Sinumpaang tungkulin sa Diyos at gobyerno Magpakaylanman ito'y para sa inyo Bayaning sundalo