Kishore Kumar Hits

Bugoy Drilon - Pwede Bang Ako Na Lang Ulit şarkı sözleri

Sanatçı: Bugoy Drilon

albüm: Bugoy (Decade)


Pwede bang ako na lang ulit?
Ang ngalang lagi mong nasasambit
Baka sakaling magbago takbo ng isip mo
Kaya't tinatanong ko na
Baka kasi pwedeng ako na lang
Pwede bang subukan pang isa?
Baka naman ako'y mahal mo pa
At kung wala nang damdamin sa aki'y ayos lang
Hindi ako magagalit
Pero baka pwedeng ako na lang ulit
Hayaan mong ika'y tulungan ko
Hanapin ang lugar sa puso mo
Siguro kahit konti pa, ako'y may daratnan
Buhayin ang nakaraan, ako sana ay pakinggan

Dinggin mo ang hiling ng puso ko
Nanabik ang buhay ko sa 'yo
Araw-gabi, wala akong ibang hinihiling
Magbalik na sa 'king piling
Baka kasi pwedeng ako na lang ulit
Hayaan mong ika'y tulungan ko, oh
Hanapin ang lugar sa puso mo
Siguro kahit konti pa, ako'y may daratnan
Buhayin ang nakaraan, ako sana ay pakinggan
Ako sa 'yo pa ri'y nagtatanong
Mahal pa ba ako hanggang ngayon?
Baka kasi ang oras natin ay lumipas na
At ang kahapo'y magbalik
Baka maisip mong ako na lang ulit
Nanabik sa 'yong halik
Pwede ba, sana ako na lang ulit?

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar