'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo Para akong isang sira-ulong hilo at lito Sa akin pang minanang piyano, tiklado'y pilit nilaro Baka sakaling mayro'ng tonong bigla na lang umusbong Tungkol saan naman kayang awitin para sa 'yo? 'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono Sampu man aking diksyonaryo, kung ang tugma'y 'di wasto Basta't isipin 'di magbabago, damdamin ko sa iyo Araw-gabi, nasa isip ka Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta Araw-gabi, nalalasing sa tuwa Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa ♪ Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid Dapat mo lamang mabatid, laman nitong dibdib Tila sampung daang awitin ang natapos kong likhain Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin Araw-gabi, nasa isip ka Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta Araw-gabi, nalalasing sa tuwa Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa Araw-gabi tayong dalawa Araw-gabi, nasa isip ka Napapanaginip ka (araw-gabi tayong dalawa) Araw-gabi, nalalasing sa tuwa Kapag kapiling ka, araw-gabi, araw-gabi Araw-gabi, nasa isip ka Napapanaginip ka, kahit sa'n magpunta Araw-gabi, nalalasing sa tuwa Kapag kapiling ka, araw-gabi tayong dalawa Araw-gabi tayong dalawa (napapanaginip ka) Araw-gabi tayong dalawa