Mukha mong maamo, nanunuyo sa 'king puso
Hindi ba kasalanan at umamin nang biglaan?
Ikaw, ako, parang tayo, pag-ibig na, sinta
Wala bang hangganan? (Wala) sabay bang lalaban?
Halika na't yumakap sa aking katawan
Sabay nating abutin ang paraisong makulay
Laging hiling sa Maykapal na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang, ikaw, ako
Sa ating mundong kulay-bahaghari, yeah
♪
Hindi imposible ang ginuhit na pangyayari
Kulay ng rosas ang paligid ko na dati
Na patay, madilim, 'di ko alam, ngayon ay nandito ka
Walang alinlangan (wala), wala nang kailangan
Halika na't yumakap sa aking katawan
Sabay nating (sabay nating) aabutin (abutin) ang paraisong makulay
Laging hiling (hihiling) sa Maykapal (Maykapal) na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang, ikaw, ako
Sa ating mundong kulay-bahaghari, yeah, yeah, ooh-ooh
♪
Kahit paikot-ikot lang, ikaw, ako
Sa ating mundo...
♪
Init ng yakap, 'di makagalaw; gigil ng puso, s'yang laging ramdam
Buka ng bibig, iwinika sa 'yo, kukunin sa langit, 'aalay sa 'yo
Sasakyang bituin at babiyahe tayo, tayo naghari sa mundo natin
Halika na ('lika na, 'lika na, 'lika na, 'lika na)
Halika na ('lika na, 'lika na, 'lika na)
Halika na ('lika na, 'lika na, 'lika na, 'lika na)
Halika na ('lika na, 'lika na, 'lika na, 'lika na)
Halika na't yumakap sa aking katawan
Sabay nating (sabay natin) aabutin (abutin) ang paraisong makulay
Laging hiling (hihiling) sa Maykapal (Maykapal) na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang, ikaw, ako
Sa ating mundong kulay-bahaghari, ooh (maamo, nanunuyo sa 'king puso, ooh)
Kulay-bahaghari (maamo, nanunuyo sa 'king puso, ooh, ooh)
Поcмотреть все песни артиста