Pinilit kong pigilin ang aking damdamin Pagkat ika'y di na dapat bang ibigin Ikaw pala'y may'ron ibang minamahal Habang ako'y sa ating pagmamahalan na sumugal Ang sabi mo ito'y malayo sa katotohanan At ang puso mo'y nakalaan Para sa akin lamang Bulong ng aking isip Ay huwag nang magtiwala Sigaw ng puso ko'y Huwag umasa sa maling akala Hindi ko na kayang masaktan pa Hindi na maaari pang ako'y gamitin na Isang sunud-sunuran Sa iyong mga kagustuhan At halos lahat ay ibigay ko na... Hindi ko na mapapayagan pa Ang puso ko'y paglaruan nang puso kong gahaman Ako'y iyong palayain At wag mo ng ibigin Hindi ko na makakaya ang masaktan pa Huwag mo na sanang patagalin Wag mo na akong linlangin Pagdurusang ito'y hindi na makakaya... Hindi ko na kayang masaktan pa Hindi na maaari pang ako'y gamitin na Isang sunud-sunuran Sa iyong mga kagustuhan At halos lahat ay ibigay ko na... Hindi ko na mapapayagan pa Ang puso mo'y paglaruan nang puso kong gahaman Ako'y iyong palayain At wag mo ng ibigin Hindi ko na makakaya ang masaktan pa