'Di lilipas ang araw, lagi kang naiisip Sa haba ng gabi, 'di ko kayang maidlip Wala ka sa piling ko, puso'y humahapdi Hirap na nadarama 'pagkat hanap kita Bakit mo ako iniwan? Iniwan mong nagdurusa Bakit mo ako iniwang bigla? Alam mong mahal kita Pa'no ba ako mabubuhay, ngayong wala ka na? Bakit mo ako iniwang bigla, ngayong mahal kita? ♪ Binigay ko ang lahat upang malaman mo Labis na pag-ibig, aking alay sa 'yo Ngayong wala ka na dito sa piling ko Puso'y lumuluha, ikaw ang hanap ko Bakit mo ako iniwan? Iniwan mong nagdurusa Bakit mo ako iniwang bigla? Alam mong mahal kita Pa'no ba ako mabubuhay, ngayong wala ka na? Bakit mo ako iniwang bigla, ngayong mahal kita? Puso ay nasaktan, ako'y 'yong iniwan 'Di na magbabalik, puno ng luha't sakit Lahat ay binigay, pag-ibig na taglay Wala nang natira, ngayo'y nag-iisa Bakit mo ako iniwan? Iniwan mong nagdurusa Bakit mo ako iniwang bigla? Alam mong mahal kita Pa'no ba ako mabubuhay, ngayong wala ka na? Bakit mo ako iniwang bigla, ngayong mahal kita? (Bakit iniwan?) (Bakit iniwan?) Ooh-ooh (Bakit iniwan?) Ooh-ooh (Bakit iniwan?)