Kishore Kumar Hits

Erik Santos - Sigaw Ng Puso şarkı sözleri

Sanatçı: Erik Santos

albüm: Sigaw Ng Puso


Hipuin Mo, Panginoon, ang puso kong nagdaramdam
Ikaw, Ama, ang may alam kung ako ma'y nasasaktan
Sa gitna ng mga luha at hirap ng kalooban
Pag-asa ko at tiwala, Ika'y Diyos na mapagmahal
Alaala sa tuwina, ang alam Mo'y 'di ko alam
Ang isip Mo ay mas higit kaysa aking kaisipan
Ang nakikita Mo'y 'di ko nababanaagan
At Ikaw ang may hawak ng buhay at kalakasan
Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama
Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa
Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata
Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan

Hiling ko lang, Panginoon, huwag Mo akong iiwanan
Dahil 'di ko makakaya kung ako ay mag-isa lamang
Ang awa Mo, aking Ama, ang higit kong kailangan
Upang ako ay mahango sa labis na kalungkutan
Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama
Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa
Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata
Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan
Sinisigaw ng puso ko, purihin Ka, aming Ama
Sa Iyo ako nanghahawak, sa hirap man o ginhawa
Tulungan Mo lamang ako, lahat aking mababata
Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan
Mananatiling lingkod Mo hanggang sa walang-hanggan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar