Ikaw ay tuwid, ako nama'y hindi Pero 'di ibig sabihin na ako'y mali 'Di mo alam ang aking pinagdaanan Wala kang karapatang ako'y husgahan 'Di ko kailangan ang maging tulad mo Ang kailangan ko lang ay maging ako Iba-iba tayo dapat mong tanggapin May mga bagay na 'di kayang baguhin Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa 'yo Walang lamang walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Nakikita mo ba itong bulag sa harap mo? Walang maaninag madilim ang mundo 'Di man makakita 'tong mga mata ko Pag-ibig ng Diyos malinaw sa puso ko Ako'y isang bulag at siya nama'y pipi Na ngayo'y nagtagpo at nagkatabi Kinukutya at pinagtatawanan dati Ngunit ang totoo inspirasyon kami Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa 'yo Walang lamang walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Gusto kong maglakad, ang tanong paano Nakakalungkot bakit naman ganito Kaya naisip ko lilipad na lang ako Gagamitin ko pakpak ng pangarap ko Aanhin ko ang paa sa aking sitwasyon 'Di ko naman mahabol takbo ng panahon Ang kailangan ko ngayon ay pag-asa Magtatawid sa akin sa isa pang umaga Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa 'yo Walang lamang walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Magkaiba man ang ating mga anyo, Pakatandaan mo na walang perpekto, Taliwas man ako sa'yong pamantayan, Sa 'ki'y may magmamahal ng walang hanggan. Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa 'yo Walang lamang walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Wag mong isipin ang sinasabi ng mundo Ang damahin ay pag-ibig ng Lumikha sa 'yo Walang lamang walang angat sa bawat isa Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Lahat tayo'y pantay-pantay sa paningin nya Iba ang hugis, iba ang kulay Ngunit pantay pantay sa paningin niya Ano ba ang hugis, ano ba ang kulay Ang alam ko lang pantay pantay sa paningin niya.