Tubig at langis, ang katayuan nati'y yan ang kawangis Pilitin mang magsam'y may mahahapis Ganyang-ganyan tayong dalawa Ang panuntunan'y magkaiba Langis at tubig, 'di mapagsama ng tunay mang pag-ibig Hinanakit ang s'yang laging mananaig Mahal na mahal man kita May mahal ka namang iba Tubig at langis Idarang man sa init, 'di rin tatamis Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis Ang kirot ay di maalis kung labis Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig? May dasal ba akong hindi N'ya narinig? Papel natin sa pag-ibig Ako'y langis, ika'y tubig Tubig at langis Idarang man sa init, 'di rin tatamis Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis Ang kirot ay di maalis kung labis Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig? May dasal ba akong hindi N'ya narinig? Papel natin sa pag-ibig Ako'y langis, ika'y tubig Ako'y langis, ika'y tubig Ako'y langis, ika'y tubig