Ah-ah, ah-ah-ah Ah-ah, ah-ah-ah Naranasan mo na ba ang umibig Na parang ang mundo'y umiikot para lang sa 'yo at sa kanya? Simpleng tinig n'ya ay parang tubig Hinahanap magdamag ng nauuhaw mong kaluluwa Ha-ha, ha-ha Puso'y naglalakbay sa alanganin Pikit sabay hawak sa dibdib (sa dibdib) Nagsasalubong ang mga damdamin Pikit sabay talon sa ulap (sa ulap) Ganito pala ang pag-ibig Minsan makulay, minsan walang saysay Buti na lang at nakasama kita (kasama kita) Mayro'n nang saysay, may kulay pa Naranasan mo na ba ang gumising Na may hiwagang nararamdaman tuwing tumitingin sa 'yong tabi? Kahit humirit man ang suliranin Hawak-kamay, hindi matitinag, sabay haharaping nakangiti Ha-ha, ha-ha Puso'y naglalakbay sa alanganin Pikit sabay hawak sa dibdib (sa dibdib) Nagsasalubong ang mga damdamin Pikit sabay talon sa ulap (sa ulap) Ganito pala ang pag-ibig Minsan makulay, minsan walang saysay Buti na lang at nakasama kita (kasama kita) Mayro'n nang saysay Ganito pala ang pag-ibig Minsan makulay, minsan walang saysay Buti na lang at nakasama kita (kasama kita) Mayro'n nang saysay, may kulay pa (Pele, sing) Ganito pala ang umibig Ganito pala ang umibig (Very good)