Pa'no na 'to, wala ka na sa 'king tabi? Pa'no na 'to, 'di na alam ang gagawin? Pa'no 'to, walang saysay, tulog ko't pagising? Walang paki-alam, 'di na alam kung araw o gabi Pa'no na ba? Pa'no nga ba magsimula? Pa'no kayang sisimulang limutin ka? Pa'no na nga ba ngumiti? Ang hirap naman gawin Kapag hindi sana'y na ikaw ay wala sa 'king piling Paano na'ng mga pangarap ko? Paano na'ng mga pangako mo? Paano na haharapin ang umagang kay lamig? Ngayong wala ka na dito sa piling ko, paano na 'to? ♪ Pa'no ngayon ang puso ko'y nag-iisa? Nag-aaral, sinasanay na wala ka na Pa'no na 'to parang baliw, namimilipi't tulala? Bakit hindi matanggap na totoong wala ka na? Paano na'ng mga pangarap ko? Paano na'ng mga pangako mo? Paano na haharapin ang umagang kay lamig? Ngayong wala ka na dito sa piling ko, paano na 'to? May bago bang nilalambing sa pagtulog mo't pagising? May humahaplos na ba sa mukha mo dati'y akin? Sino na'ng nalulunod sa titig nang iyong mata? 'Di ko maintindihan minahal naman kita Paano na'ng mga pangako mo? Paano na haharapin ang umagang kay lamig? Ngayong wala ka na dito sa piling ko Paano na 'to? ♪ Paano na 'to?